top of page
Writer's pictureEdmund Valdez

THE DANGER OF NOT READING PASSAGE CONTEXT OR APPLYING ANY VERSE TO OUR OWN PREFERENCE

2 Timothy 2:14-18 (ESV) "Remind them of these things, and charge them before God not to quarrel about words, which does no good, but only ruins the hearers. Do your best to present yourself to God as one approved, a worker who has no need to be ashamed, rightly handling the word of truth. But avoid irreverent babble, for it will lead people into more and more ungodliness, and their talk will spread like gangrene. Among them are Hymenaeus and Philetus, who have swerved from the truth, saying that the resurrection has already happened. They are upsetting the faith of some. "


Many people stop at the first verse, then think that this means God's will is not to make any argument or quarrel about anything. Bawal daw makipag dialogo o makipagtalo tungkol sa Salita ng Diyos kasi nakakasira ng faith ng ibang tao. Mali. Bakit?


1. "quarrel about words" doesn't mean every other words including the Word of God. Tungkol ito sa mga salita na wala namang kinalaman sa ating pananalig o katotohanan. O mga "trivial" (of little worth or importance) matters lang (λογομαχεῖν) yan ang ibig sabihin sa orihinal. Ibig sabihin mga opinion ng tao at hindi ang Salita ng Diyos ay huwag daw pansinin. Ibig sabihin kung tungkol sa Salita ng Diyos ay makinig tayo dahil kaluluwa natin ang nakataya.


2. Next verse (15) Paul told Timothy "rightly" divide the Word. Ibig sabihin po ay ipaliwanag ng maayos at malinaw ang Biblia. Be straight to the point at tama ang paliwanag. Di baluktot at "out of context". Tapos sabi niya pa, huwag mangusap ng pabalang o walang galang na pangungusap kasi lalo lang dadami ang masama gaya nila Hymenaeus at Philetus - exposed!


3. Nagturo daw kasi sila ng likong doktrina (wala daw pagbangon ng mga patay). Ngayon si Paul binanggit kung sino ang mga nagtuturo ng maling doktrina. Sabi naman ng iba, mali daw iexpose ang mga bulaang leader? Ayan o, malinaw si Pablo nag-expose ng mga nagtuturo ng mali. Huwag daw maingay? Si Pablo napakaingay sa mga bulaang propeta 1900 years na nakakaraan ngayon dinig pa rin natin ang boses niya!


Nakita niyo mga kapatid pag basta nalang tayo gumamit ng "Verse" kung ano mangyayari sa isipan natin? Ingat ingat po sa mga taong di naman nag-aaral ng Bible o nagtuturo pero pagdating sa FB anggaling mag quote ng verse. Basta lang may gustong topic na sabihin quote ng verse na wala namang kinalaman sa topic niya?



Challenge ko sa mga nagquote ng verses. Mag quote kayo ng verses kahit ano, basta handa kayong iexplain anumang verse ipost nyo sa mga makakakita o magtatanong. AT BAWAL MAGBLOCK NG TAO. Ang mambock automatic na talo na sa argumento! Tawag dyan "accountability." Kung di nyo kayang iexplain ng malinaw, huwag nalang po nating ipost. Malilito lang ang mga tao.

5 views0 comments

Recent Posts

See All

תגובות


bottom of page