- sa 40 yrs na nya sa ministry, walang tumatagal na kaibigan sakanya, paiba iba ang friends, walang nag stick till the end, yung mga friends nya dati, di na sila friends ngayon (tapos sisiraan nya yung mga dati nyang friend, kaya daw niya nilayuan kasi daw iba na ang standard, pero kung titignan mo ang former friends nya, okay naman ang iba sakanila)
- madami syang binurn na bridges dahil sa paniniwala nya na “when your friends change , change friends” pero ang totoong meaning nya dyan ay “when your friends doesn’t agree with you anymore, change them”
- pag may umaalis o nagresign sa church nya, pinapablock nya ito sa mga existing staff nya, pati mga members nya minemeet nya (thru zoom) at sinasabihan nya na wag ng kausapin ang mga former staff nya, iblock daw, at wag nalang daw magbasa ng facebook at twitter para wag daw iquestion ang leadership nya (masama ba magtanong? Diba dapat naman talaga nag-iisip ka, at di lang oo ng oo sa sasabihin ng iba?)
- pag may nagresign o umalis sa church nya, lagi syang may sinasabing masama about sa mga umalis, kesyo tamad daw sila, nandaya daw, makasalanan daw, etc, walang umalis sa church nya na di nya ginawan ng paninira
- sinasabihan nya ang mga nagresign sa kanyang church na wag makipagcommunicate sa mga “members nya”, again, members “niya”, pag aari daw kasi nya yung mga myembro ng simbahan nya, wala daw karapatang kausapin ng mga ex staff nya ang mga members “niya”
So sino ba talaga ang puno ng strife sa puso? Sino ba talaga ang nag stir up ng strife sa mga members nya? Malapit na mag 1 year anniversary ang pag resign namin doon, pero hanggang ngayon kami parin ang topic sa mga leaders’ meetings nila. Sino ba talaga ang di makamove on, at talaga namang affected sa mga sinasabi namin? At bakit sya sobrang affected at defensive? Guilty kasi, di na sya pinatahimik ng kanyang konsensya. Sana bago mahuli ang lahat, maging honest na sya.
Comments