top of page
Writer's pictureAla Apolonio

Hanggang Kailan?

Hanggang Kailan? Hanggang kailan ka magpapakabulag? Nakamulat ang iyong mga mata, Ngunit hindi nakakakita

Hanggang kailan? Hanggang kailan ka magbibingibingihan? Hinahayag at sinisigaw na ang katotohanan Ngunit tila wala paring kaliwanagan

Hindi pa ba sapat? Kulang pa ba? Ang mga dugo na dumanak, Ang mga puso na dinurog, Ano pa bang hinahanap? Ano pa bang hinihintay? Bakit hanggang ngayon, Ika’y nagpapakahimlay?

Gumising ka! Gumising na! Buksan mo na ang iyong mga mata! Wag mong intayin, na ang Diyos ay hilahin ka pa!

Ang kasamaan ay may hangganan Ang katotohanan ay may patutunguan Hindi sa lahat ng oras, ikaw ay babalaan May isip ka, gamitin mo, Ng makita mo ang tunay at totoo!


25 views0 comments

Recent Posts

See All

コメント


bottom of page