Ginoong Annas D. Highpriest,
Isang araw, habang ako po ay nakahilata sa ilalim ng isang puno, at nakatingin sa langit at kaulapan ay may isang ibon na dumapo sa isang sanga at nagsimulang umawit hanggang sa ako po ay makatulog ng mahimbing at bangungutin.
Nakita ko po sa aking panaginip na kayo daw po ay nagpameeting ng pagkahaba-haba, at imbes na meeting ang mangyari ay kayo po ay nagseminar gamit ang Bible about "anger management" class from Genesis to Revelation! Huwaw..
Sa sobrang haba daw po at kawalang-katuturan ng inyong topic ay marami po ang umalis sa nasabing meeting dahil siguro napag-isip-isip nila na mas maganda pang manood ng "Angry Birds 1 and 2" kaysa makinig sa boring n'yo pong lecture na wala namang kinalaman sa ika gaganda ng buhay ng inyo pong kawawang mga lingkod.
Ang dating daw po ng meeting ay parang kayo po ang nag "stir ng strife" dahil wala kayong ginawa kundi siraan ang mga taong ibinubulgar ang mga totoong katiwalian ng inyo pong diktadurya. Ang mga tirada ninyo ay may tama sa pag-iisip (debased mind) o demonized ang mga taong ito na nag "stir ng strife" sa Church ninyo. At ako po ay nagising. Buti nalang!
Totoo kaya ang aking panaginip o kathang isip lamang? Kung ito man ay totoo, sana po ay dinggin ninyo ang payo ng isang tamad at nagmamalasakit po sa inyo na katulad ko.
Okay, alam naman po siguro ng mga matatalino ko pong kababayan ang ibig sabihin ng "person of strife" at kung sinu-sino po ang mga mahilig sa away at gulo sa simbahan, kung mayroon man. Meron nga ba?
1. Bakit nyo po kailangan mangaral naman ng higit sa 1 oras para lang po ito ipaliwanag? Pwede naman kahit FB post lang basta maayos ang logic at wording pwedeng maintindihan. Hindi po kami mga bobo Mr. Annas at kilala din po namin ang mga taong tinutukoy ninyo na naglingkod sa amin noong nasa simbahan pa sila. Sila po ay mababait at makadiyos na mga tao.
2. Sa aking karanasan po sa inyo pong simbahan, wala po akong nakilalang nag-amok o naghamon ng away sa inyo o sa inyo pong mga aliping Pariseo kahit pa sobra po ang inyong pang-aapi sa mga alipin ninyong "tamad" kung inyo pong ituring. Isang katunayan na mababait po sa mga leader ang aking mga kababayang Filipino na may takot sa Diyos. Wala po kaming hangad kundi ang maging malaya mula sa anumang uri ng pang-aapi.
3. Ang leader po nila na Jesus ang pangalan ay hindi po guro na gustong awayin ang mga umaaway sa kanila kundi mahalin sila, ipanalangin at gawan ng kabutihan sa kabila ng kanilang mga ugali. Wala po sa kanilang gustong guluhin ang inyo pong mga synagoga. Ang hangad po nila ay babalaan ang mga tao sa inyo pong likong sistema para hindi po sila mapahamak gamit ang Salita ng Diyos na malinaw naman pong unawain. Salamat po!
Isang bagong-gising na Kristiyano,
Bro. Juan D. Tamad
コメント