top of page
Writer's pictureEdmund Valdez

Saloobin ni Moises

Minsan si Moises ay naisip na dalawin ang kanyang mga kababayan sa kanilang kalagayan sa Ehipto. At siya ay nagulantang sa kanyang nasaksihan. Ang mga Ehiptong amo ng kanyang mga kababayan ay walang pakundangang inaabuso ang mga kababayan niyang mga Israelita.

Hindi inisip ni Moises ang posisyon at kinabukasan niya nang makita niyang inaapi ng isang banyaga ang kanyang kababayan. Nang makita niya ang pang aabuso ay para bagang nakita niya ang sarili sa posisyon ng aliping kaawa-awa ang situwasyon sa lupit ng amo nito.

Kung ikaw si Moises, ano ang gagawin mo? Magpipikit mata ka nalang ba at tatalikuran ang mga kapatid mo na kaawa-awa sa kamay ng salbahing banyaga? Totoo naman na napakabuti ng banyagang ito sa yo at itinuturung ka pa nitong anak, pero dika ba nagtataka kung bakit mabait siya sa iyo at hindi sa ibang kapwa mo?



At ngayong nasaksihan mo ang kalagayan ng mga kapatid mo pipiliin mo ba na iwanan sila, sila na nananalangin ng kaligtasan habang ikaw ay nakakaranas ng masarap na buhay sa kanlungan ng iyong banyagang ama amahan? Ano ngayon, Moises, ang gagawin mo? Pipiliin mo ba ang yaman at karangyaan dala ng iyong posisyon kapalit ng kaligtasan ng iyong mga kapatid mula sa kapahamakan? Ano ang sinasabi ng puso mo? Sana gagawin mo rin ang ginawa ni Moises... sa tulong ng Diyos lahat ay posible. Amen.


Hebreo 11:25-27 AMB At mas pinili pang magdanas (ni Moises) ng hirap kasama ng bayan ng Diyos, kaysa sa panandaliang saya na dulot ng kasalanan. Inari niyang mas dakilang yaman ang mapahiya alang-alang kay Kristo kaysa tamasahin ang mga kayamanan sa Ehipto, dahil nakatuon siya sa gantipalang darating ;Dahil sa pananalig ay iniwan niya ang Ehipto nang di natatakot sa galit ng hari. Nagpakatatag siya dahil nakikita niya ang di nakikitang [Diyos].

1 view0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page