May kuwento ako tungkol sa isang company na weekly kung magpa-suweldo. Ang policy na ipinapasunod ng Boss sa mga company branches: Kapag mas malaki ang weekly expenses versus weekly income (in other words, there’s a loss), delayed ang suweldo ng mga workers. Babawiin na lang during the weeks na may income. Mahirap para sa mga workers especially kung 2 or 3 linggong dikit na negative income ang branch. Paano na panggastos mo at ng iyong pamilya?

Pero okay na rin, puwedeng pagtiisan dahil maibabalik rin naman kapag may income na.
But here’s the catch: Si Boss na nag-impose nung conditions na yun ay exempted sa “no income no salary for the week” policy. In other words, whether kumita o malugi yung branches, hindi siya affected. Basta yung suweldo niya na “ikapu ng ikapu” naka-safety dapat at kasama sa tseke na ide-deposit sa bank account niya.
Good leadership ba kamo? Ang matuwid at totoong leader dapat kadamay ng mga sundalo niya sa tagumpay man o pagkatalo. Hindi one way— pag panalo branch panalo din siya, pag talo ang branch panalo pa rin siya. Ano’ng klase yan?
1 Peter 5:3 - “.... not domineering over those in your charge, but being examples to the flock.”
*anonymous*
Comments