Ang Malungkot na Katotohanan tungkol sa Epekto ng Relihiyon sa Ating Mga Relationships
Why would you trust a person whom you only see in the pulpit talk to crowds, and whose not even speaking your language more than your real friends whom you see face to face, and mingle with on a regular basis? (Pharisees vs. Jesus)
Pag sinabi ng leader na ito na iwanan natin ang mga kaibigan natin para sa kanya, siya na di naman natin ka close, susunod po ba tayo? Sila ang mga kaibigan na binalaan tayo tungkol sa mga bagay na sisira ng ating buhay kahit mukha silang weirdo dahil di kapani-paniwala ang sinabi nila sa atin pero dahil kaibigan nila tayo sinabi pa rin nila sa atin ito. Ngayon, dahil sa ginawa nilang ito hindi na tayo friends?
Bakit tayo magtitiwala sa mga taong ni hindi nga alam kung ano ang pangalan natin kaysa sa mga kamag-anak natin na kilala natin simula pagkabata, kahit pa mayaman o sikat sila? Ang tindi talaga ng epekto ng Relihiyon sa utak ng tao no? Hindi na tuwid mag-isip minsan ang mga tao pag sa Religious Leader ang loyalty hindi sa Salita ng Diyos.
Tandaan po natin, kung tayo ay nakakaranas ng ganito sa ating simbahan, huwag po tayong maging tulad ng mga Israelita sa Egipto na ayaw maniwala kay Moises dahil sa takot kay Paraon, o parang yung 3,000 mga Judio na iginapos si Samson para dalhin sa mga banyagang Filisteo dahil ayaw nila ng gulo, o parang si Judas na itinakwil ang kanyang kaibigan at Panginoong Jesus dahil sa suhol ng mga Pariseong di naman niya kaibigan at kalapit.
Ang hustisya ng Diyos ay totoong darating kahit wala po tayo pero kawawa tayo kung ang mga taong ibinigay sa atin ng Diyos para tulungan tayo ay itinakwil natin alang-alang sa ating Relihiyon at alang alang sa taong di naman talaga nating kilala! #DONTBEAJUDAS
Commentaires