top of page
Writer's pictureAla Apolonio

Ano ang sukatan ng isang tunay na “BLESSED” na Kristyano?


Marami ang naniniwala na pag “PROSPEROUS” ka ikaw daw ay blessed ni Lord. Pag may pera ka, pg maganda bahay mo, maganda trabaho mo, pag nabibili mo ang gusto mo, iyang mga bagay na yan daw ang nag coconfirm na God’s hand is upon you.

Ngunit ano ba ang totoong buhay ng isang blessed na Christian? Sa material na bagay ba ito masusukat?


Sa panahon ngayon lumalaganap ang “PROSPERITY GOSPEL” kung saan ang focus ng mga Kristyano ay yung makukuha nila kay Lord. Na pag nasave ka daw, nag serve ka kay Lord, pag nag offering ka, ikaw daw ay mabbless at mawawala sa kahirapan. May katotohan din naman ito, pero dapat wag natin istretch.


Pano kung Kristyano ka, pero biglang naghirap ang buhay mo kagaya ni JOB? Sasabihin mo ba na God’s hand and favor ay tinanggal kay Job? Na hindi na sya blessed? Kagaya ng sinabi ng asawa at kaibigan ni Job?


Pano kung ang kinakain mo ay ang mga crumbs na nalaglag sa mesa ng isang mayaman, kagaya ni LAZARUS? Sasabihin mo ba na wala ang kamay ng Panginoon kay Lazarus kasi naghihirap sya at walang makain? Sasabihin mo ba na hindi sya blessed?


Kung titignan natin, parehas na righteous sa mata ng Diyos si Job at Lazarus, diba nga si Lazarus ay nakarating ng langit at ang mayaman sa impyerno. So inshort, HINDI sa YAMAN o MATERIAL na bagay nasusukat if BLESSED tayo o hindi.


Sino ba ang tinuturing ni Hesus na BLESSED?


Sobrang linaw ng Bibliya, ang kinoconsider na BLESSED ni Lord ay di nasusukat sa yaman, ang tunay na MAPALAD ay ang mga sumusunod according sa Matt 5:3-12


1. Mga HINDI MAPAGMATAAS at di mataas ang tingin sa sarili. Walang spiritual arrogance - Yung si Lord talaga ginglorify hindi sarili niya, “40 years na kong nagseserve at nandito parin ako”, hindi yung nagbubuhat ng bangko nya - “I am a good servant”, imbes na kay Jesus pinopoint ang tao, sakanya na napunta ang attention.


2. Mga MAPAGKUMBABA, at humihingi ng tawad sa Panginoon - Hindi yung mga feeling perfect at malinis, mga self righteous, mala-Pariseong ugali - “Thank God I am not like that person”, lakas mang judge at magcondemn.


3. Mga MABUTI ANG PUSO - Hindi yung pag kaharap ang tao bait baitan, pero pagtalikod puro kasamaan ang iniisip at ginagawa sa kapwa


4. Yung mga UHAW at GUTOM sa KATUWIRAN. - Eto yung mga hindi nag cocompromise, tama at mali lang, walang “okay lang naman”. Hindi sila nag totolerate ng kasamaan.


5. Yung mga MAHABAGIN - merciful and gracious. - Hindi yung pag nagkamali ka ay ididiin ka pa, hihingan ka pa ng listahan ng mga kasalanan mo. Yung tipong maliit na bagay pinapalaki at pinapalala, mga tao na sobrang toxic, mga tao na walang konsiderasyon at pang unawa.


6. Yung mga may INTEGRIDAD - Eto yung mga nagsasabi lang ng TOTOO, no more, no less, walang dagdag bawas sa kwento nya.


7. Yung mga NAGSISIKAP para sa KAPAYAPAAN - Mga tao na pinaglalaban ang kapayapaan


8. Yung mga INAAPI dahil sa KATUWIRAN

- Eto yung mga taong na Pepersecute dahil they stand up for what is right

Tayong mga Kristyano minsan sinusukat natin ang blessing ng isang tao sa kung anong material na bagay ang meron sya. Oo plan ni God na iprosper tayo pero di lang sa material na bagay, dahil mas mahalaga ang prosperity ng ating mga kaluluwa.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page