TOXIC daw po yung mga tamad na empleyado sa workplace. Biblical ba? Pero may point naman yung nagsabi nito, kasi based on my experience meron akong tamad na kasama sa trabaho dati. Eto yung mga gawain nya:
1. Nanonood ng netflix/youtube, nagshoshopee during office hours.
2. Mag we-welcome greeting sa service, tapos after nun balik na sya sa office nya, di man lang magjoin sa praise and worship.
3. During office hours nakikipagdate sa boyfriend nya na asawa na nya ngayon, andun lang sila sa office nagkkwentuhan, kumakain, etc (bakit alam ko? Kasi minsan napapadaan ako at nakikijoin sakanila saglit, dahil mag quick lunch ako bago pumunta sa rehearsal ko)
4. Pagpatak ng 3pm, uuwi na sya.
5. Sasabihin nya na magbibisita daw sya, pero pag tinignan mo yung Life360 nya, umuwi lang pala ng bahay
So siguro nga tama naman, toxic ang tamad, toxic naman kasi talaga sya. Pero Definie natin ang TOXIC!
According sa dictionary:
very harmful or unpleasant in a pervasive or insidious way.
Tell me if the ff things I will put here is an example of a toxic person:
1. Day off na day off ieemail ka about work, either papagalitan ka or may iuutos sayo sa day off mo.
2. Sa mga meetings walang ibang pinag usapan kundi mga “kapalpakan” ng staff nila, plus mga latest chismis happenings sa simbahan.
3. Sa meetings na kasama ang mga ka work mo, sasabihan ka ng “useless” at “good for nothing”
4. Yung papagalitan ka sa harap ng co workers mo, sisigawan at pagtataasan ng boses, pagdidilatan ka pa ng mata dahil di mo nagawa according to tht person’s standard yung dapat mong gawin.
5. Susundin mo yung utos sayo, pero iiwanan ka sa ere pag nagkaron ng issue yung desisyon na pinagawa nya sayo.
6. Di ka papaswelduhin ng 4 na araw, pero magttrabaho ka parin, dahil di mo sinunod ang utos nya na wala namang connection sa trabaho mo (ikabit ang kurtina).
7. Papapasukin ka sa day off mo, para tawagan yung mga “na saved” nung concert, tapos yung Prinsesa, biglang nagsisisigaw ng “I am DES’s voice, listen to me! Stupid!” Sinigawan yung mga trainees dahil hindi nasunod ang utos nya, gulong gulo na kasi ang mga trainees, di nila alam kung sino ang susundin (si Ser, si Mam o si Princess? ) dahil magkakaiba ang instructions na binibigay nila Ser, Mam at Princess.
8. Yung araw araw ichachat ka ni Princess at ichichismis sayo lahat ng kaganapan sa church
Marami pang iba, kung may naalala ka, ilapag lang ang sagot here please.
Comments