top of page
Writer's pictureEdmund Valdez

SA MGA LINGKOD NG DIYOS NA NAPATIGIL

Ang paglilingkod sa Panginoon ay isang buhay na kung iisipin natin ay isang buhay na nangangailangan ng totoong pananampalataya.


Marami tayong naririnig na mga boses na nagsasabi, "kailangan sipagan mo" o "kailangan magplano ka ng maigi" o "kailangan galingan mo!" Ano ba yan, para lang isang career? Diyan nagiging kumplikado ang paglilingkod, pag ginawa na natin itong isang trabaho o isang "career." Bakit naman? Wala pong masama sa career pero ang career po natin ay may katapusan at tayo ang pumili nito. Pero ang paglilingkod sa Diyos ay walang hanggan at hindi po tayo ang pumili nito kundi pinili ito ng Diyos para sa atin. Siya ang tumawag sa atin sa paglilingkod at hindi ang tao.

Tignan natin kung saan ba talaga nanggagaling ang tunay na paglilingkod sa Diyos,

Mababasa natin sa Juan 21:15 na isang bagay lang ang inalam ng Panginoon kay Pedro, "Mahal mo ba Ako, Pedro?" ang nag-iisang tanong ni Jesus sa kanya. Pansinin mo na hindi Niya tinanong ang mga sumusunod: mga kaalaman ni Pedro (talino), o anung dahilan bakit Niya tinalikuran si Jesus (kasalanan), o kung kaya niya pa bang sundin si Jesus (abilidad). Bakit kaya? Dahil alam ni Jesus na "bagsak" si Pedro sa lahat ng mga ito! Pero tinanong ni Jesus ang nag-iisang bagay na mayroon pang natitira kay Pedro. Ano yun?


Ang Pagmamahal sa Diyos. Yan ang nag-iisang bagay na di kayang tanggalin ng kahit sino o kahit anung dagok ng buhay mula sa atin. Bakit po kaya? Dahil ang pag-ibig ng Diyos ay hindi nanggagaling sa kanino man maliban sa Diyos na nagbigay nito. (1Juan 4:7)

Nakakatuwa po di ba? Ang kuwalipikasyon at motibasyon sa paglilingkod sa Diyos ayon kay Jesus ay pag-ibig. Walang bagyo, walang kasalanan, walang kabiguan, walang demonyo, walang pagsubok ang maghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo! (Romans8.39).




NASAN KA MAN NGAYON Kung sakaling ikaw noon ay nagisisilbi sa isang simbahan o may posisyon roon pero sa ano pa mang dahilan ay wala na ito sa iyo. Asahan mo na hindi mawawala ang pag-ibig ng Diyos sa iyong puso. Huwag mong hayaang mamatay ang apoy ng pag-ibig ng Diyos sa puso mo sa pag-iisip na hindi kana lingkod ng Diyos dahil hindi ka na "full-time" o tinatawag sa posisyon mo noon. Sinasabi ko sa'yo hananapin ka ni Kristo san ka man magpunta, at kahit ano ang iyong gawin sa buhay, hindi ka magiging maligaya hangga't hindi mo lubusang tinatanggap ang pagkatawag sa iyo ng Diyos. IKAW AY HABANG BUHAY NA LINGKOD NG DIYOS. At ikaw ay isang magandang regalo ng Diyos sa kanyang mga anak (Church).

Isa lang ang tanong ni Kristo sa iyo, "Mahal mo pa ba Siya?" Kung gayon ay magpatuloy ka at huwag titigil o susuko. Lahat ng nadadapa ay dapat na bumangon sa biyaya ng Diyos kaya nating bumangon! Amen,

57 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments


bottom of page