Lord, salamat po na sinalo nyo po ang hirap at insulto, at kasamaan ng mga tao para lang po iligtas ako na makasalanan. Binalewala nyo po ang kahihiyan at sakripisyo na maituring na kriminal dahil mahal nyo po kami. Kahit wala po kayong kasalanan, hindi po kayo lumaban sa pamamagitan ng kasamaan, bagkus ng kahabagan. Nang dahil sa katotohanan ikaw ay kinatay ng masama. Isa po ako sa mga taong gumawa sa inyo nito dahil ako po'y bulag.
Totoong ikaw ang aking kaibigan na hindi ako iniwang mapahamak sa kamay ng kaaway. Minulat mo ako para ipamulat sa lahat na ikaw ay nabubuhay magpakailanman at tagapagligtas sa mga naniniwala sa iyo.
Comentarios