Orihinal na Textong Ginamit (Bagong Tipan)
May dalawang orihinal na textong laganap sa ating bansa at panahon ngayon. Una, ay ang tinatawag na Textus Receptus o sa Ingles ay Received Text o "Tinanggap na Texto" na nailathala noong taong 1516 higit nang 500 taong nakakalipas. Ito ang ginamit ni Martin Luther na basehan sa kanyang German Bible na salin, ni William Tyndale sa kanyang salin sa Ingles, ng King James Bible 1611 at ng buong Eastern Orthodox Church hanggang ngayon. Ang orihinal na Bibliang ito sa Hebreo at Griego ay hindi na ginalaw mula sa huling edisyon nito noong 1633. Ang textong ito ay nasa public domain na ibig sabihin ay pag-aari ito ng publiko.
Pangalawa'y ang Siniaticus codex o ang tinagurian sa Ingles na "Critical Text" sa Tagalog - "Palapintas na Texto" na lumabas noong taong 1862. Ang mga bibliang nalimbag simula ng panahong iyon ay gumamit ng textong ito gaya nang RSV, ESV, NASB, NIV, GNB, NLT, etc. Maraming iskolar ang nag-ayos nito simula kay Tischendorf, si Wescott at Hort, at kahuli-hulihan ay sina Nestle-Aland. Hanggang ngayon, ang textong ito ay patuloy pa rin sa pagbabago (28th revision) hanggang sa kasalukuyang panahon. Ang textong ito ay asa pagmamay-ari ng mga pribadong kumpanya: ang German Bible Society at ng United Bible Society.
Ang basehan ng Ang Malayang Biblia ay ang Textus Receptus - ang orihinal na textong ginamit sa King James Version, bukod sa magandang pundasyon nito sa loob ng 500 taon, ito ang natatanging sikat na Biblia na mula sa bunga ng "Reformation Movement" o Protestant Movement. Higit sa lahat, ito ay IYONG Biblia - hindi mo kailangang bilhin ito dahil ito ay asa public domain na.
Para sa mas kumpletong impormasyon tungkol sa Textus Receptus. Subukang magsuri sa website na ito:
http://textus-receptus.com/wiki/Main_Page
Sources:
Comments