May tatlong dakilang Aklat pang relihiyon - ang Judaismo, ang Kristiyanismo, at ang Islam. May iba rin namang mga relihiyon na may mga sagradong kasulatan, pero di sila kasing halaga sa mga taong naniniwala rito gaya ng sa tatlong nabanggit. Ang Budismo at Confusyanismo ay tinuturing ang kanilang aklat na mga talaan lang ng kanilang pananampalataya kaysa talagang kautusan na dapat nilang sundin, kasaysayan lang imbes na matibay na awtoridad kung saan nagmumula ang kanilang mga paniniwala. Ang tatlong dakilang Aklat pangrelihiyon ay kumukuha ng malaking sukat ng kanilang awtoridad mula sa kanilang mga sagradong aklat na malaki ang pagkakaiba sa paraan ng pag-iisip sa ibang mga relihiyon.
Pero dalawa sa tatlong nabanggit ay may kakaibang ugali. Sa mga muslim ang lengguwahe, pati na rin ang mga nasasaad sa Koran ay sagrado. Hindi niya papahintulutang isalin ito sa ibang wika. Ang orihinal na Arabic ay ang natatanging wikang itinuturing nilang awtorisadong magsalita ng mga nilalaman nito. Naisalin ito sa ibang mga wika pero ang mga ito'y gawa ng mga tagasunod ng ibang pananampalataya, hindi kailanman ito ginawa ng mga tagasunod nito. Ang mga Hebreo at mga Kristiyano, sa kabilang banda lalung-lalo na ang Kristiyano, ay masugid na naghahangad na gawin ang kanilang Biblia na mangusap sa lahat ng wika sa lahat ng panahon.
Nakakapagtaka ang katotohanan na ang isang Aklat na naisulat sa isang wika ay mas naging pinaka dakila ang kapangyarihan o impluwensiya sa ibang mga wika kaysa sa sarili nito. Ang Biblia ay mas mabigat ang kahulugan ngayon sa German, French, at Ingles kaysa sa kahulugan nito noon sa wikang Hebreo, Chaldee at Griego - higit pa ang halaga sa mga wikang iyon. Walang katulad nito sa kasaysayan ng panitikan…
Utang na loob natin ang masigasig na gawaing mapagsalita ang Biblia sa wika ng panahon sa paniniwalang ang isang wikang ginamit ay hindi sentro ng atensyon, na mayroon itong angking kapangyarihan at halaga sa anumang lengguwahe.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Salin mula sa aklat: "The Greatest English Classic: A STUDY OF THE KING JAMES VERSION OF THE BIBLE AND ITS INFLUENCE ON LIFE AND LITERATURE" by C.B. McAfee D.D.
Comments