top of page
Search
Writer's pictureBro. Edmund Valdez

Ang Bibliyang Ginamit ni Jesus-Unang Salin ng Biblia

Updated: Dec 14, 2018

Ang unang kilos na pagsalitain ang Biblia ayon sa lengguwahe ng panahon ay nangyari halos 300 taon nang nakakaraan bago pa dumating si Kristo. Karamihan sa Lumang Tipan nang panahong iyon as nasa wikang Hebreo pero ang mga Judio'y nagsikalat sa malaking bahagi ng daigdig gaya ng Ehipto kung saan si Alexander the Great ay nagtatag ng lungsod na ipinangalan niya sa kanyang sarili (Alexandria). Nang panahong iyon, ikatlong bahagi ng populasyon ng lungsod na nabangit ay mga Judio. Maraming tao ang masigasig at matapat sa kanilang kinagisnang relihiyon at sa Sagradong Aklat nito, pero ang kasalukuyang wika noon at sa halos lahat ng sibilisadong parte ng daigdig ay Griego, hindi Hebreo. At laging nangyayari na may ilang naniniwala na ang Aklat at ang orihinal nitong wika ay di mapaghihiwalay. Ang iba naman ay nagpahayag ng ibang disposisyon na ating binanggit kanina at nagsimulang pagsalitain ang Biblia ayon sa lengguwahe ng kasalukuyang panahon. Sa loob ng 150 taon ay nagpatuloy ang gawaing iyon at ang binansagan nating "Septuagint" ay nakumpleto.



Ang Alamat ng Septuagint


May maliit at magandang istorya sa likod nito na magsasabi sa atin kung paano nakuha ang pangalan nito na ang kahulugan ay Pitumpu (70). Isang araw daw ay naging interesado si Haring Ptolemy Philadelphus na kolektahin lahat ang mga sagradong aklat at tinipon niya ang 70 iskolar na mga hebreo, pinapunta sila sa Isla ng Pharos at inatasan sila sa 70 na magkakahiwalay na kuwarto sa loob ng 70 araw para isalin ang Bibliang Hebreo sa wikang Griego. Pagtapos nila, nakapagtataka na ang kanilang mga salin ay eksaktong magkakaparehas ang mga salita! Maraming di mapagkasundong kaisipang ang istoryang ito, at isa sa mga ito ang kaisipan na kung mayroon mang pagkakamali sa gawa, ibig sabihin ay lahat ng pagkakamali ay pare-parehas din na hindi kinukunsulta ang isa't isa. Dagdag pa dito, hindi ito suportado ng opisyal na kasaysayan, at inisip nalang nila na ang Septuagint ay isang mahaba at mabagal na processo ng paglago, na nanggagaling sa hangad na pagsalitain ang Sagradong Aklat ayon sa pamilyar na lengguwahe. Bagamat ito'y salin sa Griego, halos palitan nito ang orihinal, kung paanong ang Ingles na Biblia ay halos palitan ang Hebreo at Griego sa panahon ngayon. Ang Septuagint ang Lumang Tipan na ginamit ni Pablo. Sa 168 na mga salitang direktang hango sa Lumang Tipan na matatagpuan sa Bagong Tipan, halos lahat dito ay galing sa bersiong Griego - mula sa salin at di mula sa orihinal (na Hebreo).


Salin mula sa aklat: "The Greatest English Classic: A STUDY OF THE KING JAMES VERSION OF THE BIBLE AND ITS INFLUENCE ON LIFE AND LITERATURE" by C.B. McAfee D.D.

48 views0 comments

Comments


bottom of page